I was sooo pissed off when I read the news last night at PEP. Wowowee, the so-called family-happy-oriented lunchtime TV show that always provide smiles to Filipino, and has always been "kind" and "good" to people has just been so unfair and unjust to one of their hosts, Ms. Precious Lara Quigaman. Precious, who is a beauty queen (2005 Ms. International) turned actress and TV host, has been one of mainstay hosts at Wowowee. I know she’s good, and she is very dedicated at her work - but just because of Wowowee’s stupid reason and unfair reason, the show pulled her out.
This was the article from Pep.ph
Precious Lara Quigaman reveals she was axed from "Wowowee"
Julie BonifacioMonday, May 26, 2008
03:44 PM
Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag ng Miss International 2005 na si Precious Lara Quigaman ang kanyang katahimikan kaugnay ng pagkakatanggal niya sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee. Nakapanayam ni Boy Abunda sa The Buzz ang beauty queen turned actress-TV host kahapon, May 25.
Mahigit isang linggo na rin ang lumipas mula nang dumating si Lara, kasama ang buong grupo ng Wowowee pagkatapos ng kanilang special show sa Hawaii. Pero hindi na muling napanood si Lara sa naturang noontime show magmula nang bumalik sila.
Ayon sa usap-usapan, tinanggal sa Wowowee si Lara dahil isinama niya ang kanyang non-showbiz boyfriend sa Hawaii. May lumabas ding balita na lumaki na ang ulo niya at naging problema ng mga katrabaho niya.
Sa live interview sa kanya ng The Buzz, ibinigay ni Lara ang kanyang panig tungkol sa mga lumalabas na balita.
MOTHER’S DAY GIFT. Pati ang ina ni Lara, na kasalukuyang nasa Canada, ay nagulat sa pagkakatanggal ng anak sa Wowowee. Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa boyfriend ni Lara ay kasama rin pala ng beauty queen ang kanyang ina sa Hawaii. Ito raw ang regalo ni Lara sa kanyang ina noong Mother’s day.
Sa text message na ipinadala niya sa The Buzz, sinabi ng ina ni Lara na, "Nagulat ako nung malaman ko that Lara will no longer be seen in Wowowee ‘coz Lara is always saying that she’s happy to be part of that show. She really likes the program and she has very good relationship sa mga katrabaho niya doon. Even Willie Revillame called me once and we talked about my daughter.
"Nakakapanghinayang kasi sa tuwing napapanood ko siya [Lara] sa TV, feeling ko nasa Pilipinas din ako kasama niya. As a mother, I was hurt sa mga lumalabas na write-up. Lara should not be treated that way. Nakakalungkot kasi ito pala ang kapalit ng pagse-celebrate namin ng Mother’s day."
Sa panayam ni Boy kay Lara, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa ipinadalang text message ng kanyang ina sa The Buzz.
"Kasi unlike sa mga sinasabi sa maraming articles and mga rumors na kasama ko raw boyfriend ko lang, the truth is I was with my Mom as well. This is my Mother’s gift to her to be in Hawaii," paliwanag ni Lara.
Sabi ng ilan, ang naging kapalit daw ng pagdiriwang nilang mag-ina ng Mother’s Day ay ang pagkawala ni Lara sa show.
"I don’t think so, kasi everything is meant to happen naman talaga, e," saad ni Lara.
Kasunod nito ay nagbigay ng mensahe si Lara sa kanyang ina.
"Don’t worry, Ma. Hindi ‘yan ang kapalit. So don’t be sad about that. Kasi baka nagi-guilty siya dahil sa pag-give ko sa kanya ng trip to Hawaii nangyari yung nangyari."
AXED FROM THE SHOW. For the record, nilinaw ni Lara kung tinanggal ba siya o nag-resign siya sa Wowowee.
Just recently, when I was doing my regular Google-ing, I suddenly see error messages every time I do my web searching.
We’re sorry…
…. but your query looks similar to automated requests from a computer virus or spyware application. To protect our users, we can’t process your request right now.
Click on the screenshot to see the full view details